1 patay, 1 grabe sa rambol

Nagrambulan ang isang grupo ng magkakaibigan na pawang lango sa alak na nagresulta sa pagkasawi ng isa at malubha namang pagkasugat ng isa pa, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Nelson Laguidad, 33-anyos, ng 230 Metro Heights Compound, Brgy. Culiat, nabanggit na lungsod na nagtamo ng iba’t ibang tama ng saksak sa katawan, habang ginagamot sa EAMC ang kaibigang si Jay Vargas, 28, caddie, ng #47 Fisheries St., Brgy. Vasra.

Arestado ang isa sa mga suspect na kaibigan din ng mga biktima na si Arnold Estaquio, 39, pintor at kapitbahay ng nasawi. Dakong alas-8 nang mangyari ang insidente. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments