^

Metro

Engineer, inabswelto ng korte sa pagpatay sa kanyang ina at kapatid

-
Pinawalang sala ng Valenzuela City Regional Trial Court (VCRTC) ang isang engineer matapos na mapatunayan na may sakit ito sa pag-iisip nang patayin nito ang sariling ina at kapatid sa loob ng kanilang bahay, pitong taon na ang nakakalipas.

Sa anim na pahinang desisyon ni Judge Maria Nena Santos ng VCRTC Branch 171, ang akusadong si Jonathan Galura, nasa hustong gulang ng Block 3, Lot 3, Annevielle subd., Malabo, Valenzuela City ay napatunayang may kakulangan sa pag-iisip nang patayin nito ang kanyang inang si Rufina at kapatid na si Alfina.

Sinabi pa ni Judge Santos na ang pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip ay maaaring magligtas sa isang kriminal sa krimeng ginawa nito sakaling mapatunayan na wala ito sa kanyang matinong pag-iisip nang mga sandaling isinagawa nito ang krimen.

Base sa rekord ng korte, ang insidente ay naganap noong Agosto 6, 1996 sa loob ng bahay ng mga ito nang bigla na lamang pagsasaksakin ng suspect ang kanyang ina at kapatid sa hindi malamang kadahilanan.

Bunsod umano ng ingay sa loob ng bahay ay nalaman ng mga kapitbahay ng mag-iina ang krimeng nangyayari kung kaya’t agad na tumawag ang mga ito sa himpilan ng pulisya na naging dahilan ng pagkakaaresto sa akusado.

Makalipas naman ang mahabang gamutan ay ipinasya ng mga manggagamot sa NCMH na maayos na ang kalagayan ni Galura at handa na itong humarap sa paglilitis.

Habang nasa kainitan naman ng paglilitis ay sinabi ng akusado na nagawa lamang niyang patayin ang kanyang ina at kapatid base na rin umano sa kagustuhan at kautusan ng ‘Diyos’ na labis na ikinagulat ng mga hurado.

Dahil dito ay muling ipinasuri ang akusado sa NCMH hanggang sa lumabas ang resulta na may sakit nga ito sa pag-iisip na naging dahilan upang ipawalang sala ito ni Judge Santos sa kanyang nagawang krimen.

Ayon naman kay Judge Santos, ang kanyang pagpapawalang sala sa akusado ay base na rin umano sa nakasaad sa Revised Penal Code (RPC) na nagsasaad na ang sinumang may sakit sa pag-iisip ay maaaring mapawalang sala sa krimen na ginawa nito.

"Under the same code, a person must act with malice or negligence to be criminally liable and one who acts without intelligence, freedom of action of intent does not act with malice," nakasaad pa sa desisyon ni Judge Santos.

Inatasan din nito ang Jail Warden na pakawalan si Galura bagama’t pinagbabayad naman ng korte ang akusado ng P100,000. para sa mga naulila ng mga nasawi. (Ulat ni Rose Tamayo)

GALURA

JAIL WARDEN

JONATHAN GALURA

JUDGE MARIA NENA SANTOS

JUDGE SANTOS

REVISED PENAL CODE

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with