^

Metro

Canadian lumundag mula sa 32rd floor, napugutan

-
Isang 58-anyos na Canadian national ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa 32nd floor ng isang condo unit makaraang hindi na nito makayanan ang problema sa kanyang asawang Pinay, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng pulisya, humiwalay ang ulo sa katawan sanhi ng malakas na pagkakabagsak sa sementadong kalsada at pagkakasagasa ng dalawang sasakyan ang biktimang si Nizar Dhalla, isang turista na nagmula sa Vancouver, Canada.

Sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Cityland Tower Condominium na matatagpuan sa Saint Francis St., kahabaan ng Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Nabatid na bumisita lamang ang biktima sa mga kaibigang mag-asawang Singaporean na sina Nimay at Emma Das sa Unit 1211 sa 12th floor ng nasabing condo at niyaya pa umano ng mag-asawa ang biktima na kumain sa isang restaurant.

Habang kumakain ay nai-kwento umano ng biktima sa mag-asawa ang problema nito sa kanyang asawang Pinay na sa kasalukuyan ay nasa Canada.

Agad naman umanong bumalik sa nasabing condo ang tatlo matapos silang kumain sa di nabanggit na restaurant subalit iniwanan umanong mag-isa ng mga ang biktima sa loob ng kanilang kwarto ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay umakyat ito sa 32nd floor ng condo at dito ay tumalon ito na parang si Superman.

Ayon sa mga nakasaksi sa nasabing insidente, nang bumagsak umano ang biktima sa sementadong kalsada ay dalawang beses pa itong nasagasaan ng rumaragasang Tamaraw FX at isang KIA Van sanhi upang humiwalay ang ulo nito sa kanyang katawan.

Kasalukuyan namang isinasailalim ng awtoridad sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para sa karagdagang imbestigasyon. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BATAY

CITYLAND TOWER CONDOMINIUM

EDWIN BALASA

EMMA DAS

MANDALUYONG CITY

NIZAR DHALLA

PINAY

SAINT FRANCIS ST.

SHAW BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with