^

Metro

Nilikidang bebot kilala na

-
Kinilala na kahapon ng pulisya ang bangkay ng isang babae na natagpuang plinantsa ang buong katawan bago tuluyang pinaslang at saka inilagay sa isang kahon, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Ang biktima ay nakilalang si Victoria Cruz, 47, may asawa, tapos ng kursong secretarial at naninirahan sa Buensuceso St., Barangay Don Galo sa nabanggit na lungsod.

Ito ay kinilala ng kanyang kapatid na si Rudy Valentino base sa mga palatandaan nito sa katawan at sa isang wedding ring na natagpuan sa bangkay ng biktima.

Inaalam pa kung hinalay din ang biktima na natagpuang naka-hubo’t hubad bago isinilid sa isang malaking plastic at saka inilagay sa loob ng isang malaking kahon.

Malaki ang hinala ng pulisya na dumanas ng matinding torture ang biktima dahil na rin sa mga paso ng plantsa nito sa buong katawan bago tuluyang pinatay.

Magugunitang natagpuan ang bangkay ni Cruz sa loob ng compound ng isang simbahan sa Barangay Baclaran sa nabanggit na lungsod.

Nilinaw pa ng mga kaanak ng biktima na hindi pick-up girl ang nasawi tulad sa naunang lumabas na balita. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY BACLARAN

BARANGAY DON GALO

BUENSUCESO ST.

CRUZ

INAALAM

ISANG

LORDETH BONILLA

RUDY VALENTINO

VICTORIA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with