Angelo Reyes bagong anti-kidnapping czar

Tulad ng inaasahan, muling binigyan ng bagong posisyon ng gobyerno si dating Defense Secretary Angelo Reyes bilang bagong anti-kidnapping czar.

Si Reyes ay binigyan ng kapangyarihan ng Pangulo upang pangasiwaan ang operasyon ng Anti-Kidnapping Task Force o AKTAF at Police Anti-Crime Emergency Response (PACER).

Ang paghirang kay Reyes ay batay umano sa kahilingan ng mga negosyante dahil na rin sa pagtaas ng insidente ng kidnapping sa bansa.

Ang puwesto ni Reyes ay may ranggong gabinete.

Sa pinakahuling ulat ng insidente ng kidnapping, sinasabing kamakalawa kinidnap ang apo ng may-ari ng Fairview Hospital sa Quezon City.

Gayunman, bibitawan na ni Reyes ang posisyon bilang special envoy sa counter terrorism na naunang ibinigay sa kanyang puwesto ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments