^

Metro

Dalaga hinoldap, sinaksak ng taxi driver, malubha

-
Nasa malubhang kalagayan ang isang 22-anyos na dalaga makaraang saksakin at holdapin ng isang taxi driver na kanyang nasakyan, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Ang biktimang nakilalang si Christina Carcellar, graphic artist, ng Catacutan St., Barangay Vergara ng nabanggit na lungsod ay kasalukuyang ginagamot sa Makati Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman na galing sa libis Quezon City ang biktima at sumakay sa isang taxi para magpahatid sa kanilang bahay.

Sa taxi pa lamang ay itinext na nito sa kanyang nobyo ang plate number ng taxi na kanyang sinasakyan na ito ay TVH-617.

Tumawag na rin ito sa kanilang katulong na buksan na ang gate dahil sa malapit na siya.

Gayunman, hindi na nakarating sa bahay ang biktima at natagpuan na itong nakahandusay at duguan sa kalye malapit na sa kanilang bahay.

Wala na rin ang mahahalagang gamit ng biktima kaya malaki ang paniwala ng pulisya na ang taxi driver na sinakyan nito ang siyang nagsagawa ng krimen.

Isang masusing paghahanap naman ang isinasagawa ng pulisya para madakip ang suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BARANGAY VERGARA

CATACUTAN ST.

CHRISTINA CARCELLAR

EDWIN BALASA

GAYUNMAN

ISANG

MAKATI MEDICAL CENTER

MANDALUYONG CITY

NAPAG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with