Sinabi kahapon ni WPD director Chief Supt.Pedro Bulaong na sinampahan na nila ng kasong attempted murder at illegal possession of firearms and ammunitions ang mga suspect sa pangunguna ni Capt. Sen ng Philippine Reserve Command.
Kasama nitong naaresto sina Reynaldo Llanas, Edward Reyes, Jay de Guzman at ang mga umanoy bisita lamang na mga babae na sina Daniela Santos at Pia Ragonron.
Sinabi ni Bulaong na nagsasagawa sila ngayon ng masusing imbestigasyon upang mabatid ang partisipasyon nina Sen sa nabigong kudeta sa Oakwood Hotel sa Ayala Avenue sa Makati City noong Hulyo 27.
Hinala ng mga pulis na miyembro rin ng Magdalo si Sen dahil sa nakumpiskang mga armband at bandila kagaya ng sa mga rebeldeng sundalo.
Patuloy namang itinatanggi ni Sen na miyembro siya ng naturang grupo. (Ulat ni Danilo Garcia)