^

Metro

Kasong rebelyon posibleng isampa kay Capt. Sen, 5 pa

-
Dahil sa malaking ebidensiya ng kaugnayan sa nabigong ‘Oakwood mutiny’ nakatakdang kasuhan rin ng rebelyon ng WPD si Reserve Capt. Leonardo Sen at lima pa niyang naarestong kasamahan sa loob ng hinihinalang armory ng ‘Magdalo Group’ sa Paco, Maynila.

Sinabi kahapon ni WPD director Chief Supt.Pedro Bulaong na sinampahan na nila ng kasong attempted murder at illegal possession of firearms and ammunitions ang mga suspect sa pangunguna ni Capt. Sen ng Philippine Reserve Command.

Kasama nitong naaresto sina Reynaldo Llanas, Edward Reyes, Jay de Guzman at ang mga umano’y bisita lamang na mga babae na sina Daniela Santos at Pia Ragonron.

Sinabi ni Bulaong na nagsasagawa sila ngayon ng masusing imbestigasyon upang mabatid ang partisipasyon nina Sen sa nabigong kudeta sa Oakwood Hotel sa Ayala Avenue sa Makati City noong Hulyo 27.

Hinala ng mga pulis na miyembro rin ng Magdalo si Sen dahil sa nakumpiskang mga armband at bandila kagaya ng sa mga rebeldeng sundalo.

Patuloy namang itinatanggi ni Sen na miyembro siya ng naturang grupo. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYALA AVENUE

CHIEF SUPT

DANIELA SANTOS

DANILO GARCIA

EDWARD REYES

LEONARDO SEN

MAGDALO GROUP

MAKATI CITY

OAKWOOD HOTEL

PEDRO BULAONG

PHILIPPINE RESERVE COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with