Ang 48 pahinang complaint affidavit ay isinumite ng Campaign for Public Accountability (CPA), isang non-government organization na nagbabantay laban sa umanoy mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa Office of the Ombudsman.
Bukod kay Binay isinama sa kinasuhan ang misis nitong si Dra. Elenita, na dating alkalde sa lungsod; city administrator Nicanor Santiago Jr.; city treasurer Luz Yamane at general services division chief, Engineer Ernesto Aspillaga.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kasong plunder at graft sa mga nabanggit base sa report ng Commission On Audit na nagkaroon umano ng overpricing sa installation ng mga furniture sa bagong gusali ng city hall kung saan umaabot sa P231 milyon.
Kung susumahin aniya ang tunay na halaga ay mas mababa ang presyo kaysa sa idineklarang presyo ng mga ito. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Malou Rongalerios)