^

Metro

Bagong plunder vs Binay, misis isinampa

-
Sinampahan kahapon ng panibagong kasong plunder at graft sina Makati City Mayor Jejomar Binay, ang misis nito at tatlo pang opisyal ng pamahalaang lungsod sa Office of the Ombudsman dahil umano sa overpricing ng mga furniture na ginamit sa bagong gusali ng city hall office.

Ang 48 pahinang complaint affidavit ay isinumite ng Campaign for Public Accountability (CPA), isang non-government organization na nagbabantay laban sa umano’y mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa Office of the Ombudsman.

Bukod kay Binay isinama sa kinasuhan ang misis nitong si Dra. Elenita, na dating alkalde sa lungsod; city administrator Nicanor Santiago Jr.; city treasurer Luz Yamane at general services division chief, Engineer Ernesto Aspillaga.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kasong plunder at graft sa mga nabanggit base sa report ng Commission On Audit na nagkaroon umano ng overpricing sa installation ng mga furniture sa bagong gusali ng city hall kung saan umaabot sa P231 milyon.

Kung susumahin aniya ang tunay na halaga ay mas mababa ang presyo kaysa sa idineklarang presyo ng mga ito. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Malou Rongalerios)

BINAY

COMMISSION ON AUDIT

ENGINEER ERNESTO ASPILLAGA

LORDETH BONILLA

LUZ YAMANE

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

MALOU RONGALERIOS

NICANOR SANTIAGO JR.

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PUBLIC ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with