Bukod sa parusang kamatayan pinagbabayad din ng korte ang akusadong si Edna Malingan ng kabuuang halagang P500,000 para sa kaso nitong arson with multiple homicide.
Kabilang sa mga nasawi sa naturang sunog ay ang amo ng akusado na si Virginia Separa, 40, asawa nitong si Roberto, 50 at mga anak na sina Michael, 24; Daphre, 18; Priscilla, 14 at Roberto, 11.
Base sa 15 pahinang desisyon ni Judge Rodolfo Ponferrada ng Manila RTC Branch 14, naganap ang insidente noong Enero 2, 2001 dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang sigaan ng akusado ang bahay ng mga biktima sa #172 Modern St. Balut Tondo habang nasa kasarapan ng tulog ang pamilya Separa.
Dahil sa yari lamang sa kahoy ang bahay ng mga biktima mabilis na kumalat ang apoy at hindi na nakuha pang lumabas ng bahay ng mga ito at kasamang nasunog sa bahay samantalang nadamay din ang iba pang kalapit na bahay.
Si Malingan ay mabilis na nakalabas ng bahay na balisa at kaagad na nagpahatid sa pedicab driver na si Rolando Gruta at nagpahatid sa Nipa St. subalit pagsapit sa naturang lugar ay hindi pa rin ito bumaba at nagpahatid naman sa Balasan St.
Gayunman, agad pa rin itong naaresto ng mga nagrespondeng barangay tanod.
Nabatid na sumama ang loob ng akusado sa kanyang amo dahil sa hindi pagpapasuweldo sa kanya sa loob ng isang taon. (Ulat ni Gemma Amargo)