Lampang pulis nadapa, kabaro aksidenteng nabaril
October 21, 2003 | 12:00am
Hindi na natuloy ang pag-aresto sana sa isang pusakal na drug pusher matapos na aksidenteng mabaril ng isang lampang pulis ang kanyang kasamahan nang madapa ito at makalabit ang kanyang nakakasang baril, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Ginagamot ngayon sa loob ng Mary Johnston Hospital dahil sa tama ng bala ng baril sa binti ang biktimang si PO2 Rewel Ramos, 38, miyembro ng WPD-Warrant Section at residente ng Rawis, Tondo, Maynila.
Dahil sa aksidente lamang ang naganap, kusang-loob na sumuko ang nakabaril na si PO2 Enrique Lazaro, 33, may asawa at miyembro rin ng WPD-Warrant Section.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kahabaan ng Road 10 sa may Pier 10 North Harbor, Tondo.
Ayon sa ulat, may aarestuhin sanang drug suspect ang dalawang pulis na armado ng warrant of arrest.
Habang naglalakad patungo sa kanyang target na nakakasa na ang baril ay aksidenteng nadapa si Lazaro sanhi upang makalabit ang gatilyo ng baril na nakatutok sa nauunang si Ramos.
Dito tinamaan ng bala ang biktima sa kanyang binti sanhi upang bumagsak din ito sa kalsada.
Dahil sa naturang aksidente, hindi na itinuloy ng dalawa ang pag-aresto sa kanilang target at isinugod na lamang ni Lazaro si Ramos sa pagamutan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended