^

Metro

Ex-lover ni Sarah Jane Salazar na tomboy arestado sa holdap

-
Dinakip ng pulisya ang dating live-in partner ng namatay na AIDS victim na si Sarah Jane Salazar at ang kaibigan nitong tomboy makaraang maaktuhan habang hinoholdap ang isang crew ng isang fastfood chain, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Richie Atisado, 23, dating lover ng nasawing si Sarah Jane at ang kaibigan nitong tomboy na si Carmina Redena, 17, kapwa residente ng San Juan St., Pasay City.

Wala namang balak iurong ng biktimang si Sosimo Campomones, ng Binangonan, Rizal ang isinampa nitong kaso laban sa mga suspect.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kanto ng San Juan at Roxas Blvd. sa Pasay City.

Nabatid na nag-aabang ng masasakyan ang biktima nang akbayan ito ng mga suspect at tutukan ng patalim at inihayag ang holdap.

Habang isa-isa namang inaabot ng biktima ang lahat ng kanyang gamit ay naaktuhan at napansin ito ng mga nagpapatrolyang tauhan ng pulisya kung kaya agad na nilapitan ang mga suspect at dinakip.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang suspect na si Atisado noong makarelasyon nito ang AIDS victim na si Sarah Jane. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CARMINA REDENA

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

RICHIE ATISADO

ROXAS BLVD

SAN JUAN

SAN JUAN ST.

SARAH JANE

SARAH JANE SALAZAR

SOSIMO CAMPOMONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with