^

Metro

Parak tinarakan ng protektor ng droga

-
Agaw buhay sa pagamutan ang isang pulis makaraang pagtulungang bugbugin at walong beses saksakin ng isang nagpakilalang pulis habang nagsasagawa ito ng surveillance operation sa isang kilabot na pusher, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si PO1 Christopher Anos, ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Marikina City, samantala agad namang nadakip ang isa sa tatlong suspect na nakilalang si Eliseo Butaslac, 34, factory worker. Pinaghahanap pa ang dalawang kasama nito.

Sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ng surveillance operation sa isang pusher sa lugar na nakilala lamang sa alyas na King Barrameda ang biktima kasama ang isang asset at bumili ng halagang P100 shabu dakong alas-9 ng gabi ng Paraiso St., Barangay Parang ng nasabing lungsod.

Nang paalis na ang biktima ay bigla umano itong hinarang ng isang nagpakilalang Chairman Barrameda at ni Butaslac na nagpakilalang pulis.

Dahil dito, nagpakilala na ring pulis ang biktima kung kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa pagtulungang bugbugin ng tatlong suspect ang biktima at pagsasaksakin.

Agad namang nakahingi ng tulong ang kasamahang asset ng pulis sa mga awtoridad kung kaya mabilis na naaresto si Butaslac. (Ulat ni Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BARANGAY PARANG

BUTASLAC

CHAIRMAN BARRAMEDA

CHRISTOPHER ANOS

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EDWIN BALASA

ELISEO BUTASLAC

KING BARRAMEDA

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with