^

Metro

Suspect sa QC massacre kilala na

-
Kilala na ng mga tauhan ng CPD ang mga suspect sa pagmasaker sa apat na miyembro ng pamilya at ng kanilang katiwala, kamakailan sa Quezon City.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ni P/Supt. Raul Medina, hepe ng CIU-CPD na ilang araw pa ay madarakip na ang mga naturang suspect na pumatay kina Sixto Subido, 75; asawang si Fulgencia, 71; anak na si Teresa, 43; pamangking si Alfredo, 47, at ang katulong na si Selsa.

Base sa nakalap na impormasyon, lumalabas na awayan sa lupa ang pinag-ugatan ng brutal na pagpaslang sa mga biktima makaraang kumpirmahin ng mga kaanak ng mga ito na may pag-aaring lupa sa Binluan, Pangasinan si Sixto na may tanim na mangga.

Lumalabas na ipinagkatiwala ni Sixto ang nasabing lupain sa isang malapit na kamag-anak na si Nestor Dique subalit nagkaroon umano ng alitan ang mga ito nang kamkamin ng huli ang pag-aaring lupain ni Sixto.

Noong nakaraang Setyembre, nagtungo umano si Sixto sa kanilang lalawigan upang kumprontahin si Nestor subalit nang makabalik umano ito ay parang bulang biglang naglaho si Nestor at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita ng kanyang pamilya at mga kamag-anak. (Doris Franche)

vuukle comment

ALFREDO

BINLUAN

DORIS FRANCHE

FULGENCIA

NESTOR DIQUE

QUEZON CITY

RAUL MEDINA

SIXTO

SIXTO SUBIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with