Kinilala ni BI Commissioner Andrea Domingo ang mga suspects na sina Paranes Mahayot at Champong Khamngoen.
Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ng BI-Intelligence Division na ang mga suspects ay nadakip sa Malate, Manila.
Matagal na rin umanong pinaghahanap sa bansang Thailand at Bangkok ang mga suspects dahil sa nasabing kaso.
Sinasabing hinihingan ng mga ito ng malaking halaga ang kanilang mga biktima at pagdating sa nasabing bansa ay wala namang umanong nakahandang trabaho para sa kanila.
Bunga nitoy agad na ipinatapon palabas ng bansa ang mga suspects at isasama sa listahan ng mga undesirable aliens. (Ulat ni Grace dela Cruz)