^

Metro

2 Thai national timbog sa human smuggling

-
Dalawang Thai national ang dinakip ng Bureau of Immigration (BI) matapos na mapatunayan na sangkot ang mga ito sa human smuggling.

Kinilala ni BI Commissioner Andrea Domingo ang mga suspects na sina Paranes Mahayot at Champong Khamngoen.

Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ng BI-Intelligence Division na ang mga suspects ay nadakip sa Malate, Manila.

Matagal na rin umanong pinaghahanap sa bansang Thailand at Bangkok ang mga suspects dahil sa nasabing kaso.

Sinasabing hinihingan ng mga ito ng malaking halaga ang kanilang mga biktima at pagdating sa nasabing bansa ay wala namang umanong nakahandang trabaho para sa kanila.

Bunga nito’y agad na ipinatapon palabas ng bansa ang mga suspects at isasama sa listahan ng mga undesirable aliens. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BUNGA

BUREAU OF IMMIGRATION

CHAMPONG KHAMNGOEN

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

CRUZ

DALAWANG THAI

INTELLIGENCE DIVISION

KINILALA

PARANES MAHAYOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with