Jeep sumalpok sa van: 15 sugatan
October 17, 2003 | 12:00am
Labing-limang katao ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa isang nakaparadang delivery van, kahapon ng umaga sa Makati City.
Kinilala ng Makati City Traffic Enforcement Group ang mga biktima na sina Ernesto Sandoval; Danilo Miranda; Raquel Marquez; Ronald Sarmiento; Manuel Marcial; Salvador Palada; Michael Apao; Jannet Berceles; Jenalyn Alvoro; Salvador Pante; Tomas Escope; Mark Lester; Rudy Sta. Ana; Arlie Mulleda at Lalyn Distral, na pawang isinugod sa Ospital ng Makati.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa kahabaan ng J.P. Rizal, Barangay Poblacion, Makati City.
Nabatid na sakay ang mga biktima sa isang pampasaherong jeep na minamaneho ni Noel Pabilona, 25, nang biglang mawalan ng kontrol ang preno nito na naging dahilan upang sumalpok ito sa nakaparadang delivery van.
Mabilis namang nagresponde ang rescue operation ng Makati at isinugod sa pagamutan ang mga biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended