Opisyal ng BIR patay sa ambush
October 17, 2003 | 12:00am
Dalawang tama ng bala ng baril ang kumitil sa buhay ng isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na tambangan ng limang hindi pa nakikilalang kalalakihan kahapon ng umaga sa Quezon City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen si Atty. Armando Rosimo, 43, tax fraud chief ng BIR at residente ng #7, Alley 15, Road 3, Project 6 ng nabanggit ding lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Mar Castillo ng CPD-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng umaga ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.
Nagmamaniobra umano ng kanyang sasakyang kulay maroon na Honda Civic si Rosimo nang bigla itong pagbabarilin ng mga suspect.
Dahil sa pagkabigla, naapakan ng biktima ang selinyador ng kotse kung kayat nagawa pa nitong makatakbo ng kaunti subalit minalas na bumangga sa isang Mitsubishi Lancer.
Isa pa sa mga suspect ang lumapit sa biktima at muli itong pinaputukan sa batok.
Mabilis na tumakas ang mga suspect lulan ng isang lumang pampasaherong jeep.
Lumilitaw pa sa inisyal na imbestigasyon na bago maganap ang insidente, napansin na sa mga nakalipas na araw ang pag-aligid ng ilang kalalakihan sa lugar ng biktima.
Wala pang tiyak na motibo ang pulisya sa naganap ang krimen bagamat malaki ang kanilang hinala na may koneksyon ang pagpaslang sa trabaho nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended