Lalaki wasak ang mukha sa sumpak
October 16, 2003 | 12:00am
Natapyas ang mukha ng isang lalaki matapos na barilin siya nang malapitan ng isang lalaking may matagal nang galit sa kanya gamit ang isang sumpak, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Arnel delos Santos, 25, at residente ng Unit 19 Building 19, Temporary Housing, Tondo.
Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Iking na mabilis na tumakas dala ang armas na ginamit sa krimen.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa tapat ng gitna ng Building 17 at 18 sa naturang lugar.
Nakarinig na lamang ang mga residente ng dalawang malalakas na putok at nang kanilang tingnan ito ay nakita ang duguang nakahandusay na biktima habang tumatakbo naman palayo ang suspect.
Nabatid na halos hindi na makilala ang biktima dahil sa tama ng bala ng sumpak at isa pa ng tama sa kanyang katawan nang malapitan.
Matagal na umanong hinahanting ng suspect si delos Santos kung saan lagi itong nagpapabalik-balik sa lugar at ipinagtatanong ito hanggang sa matiyempuhan niya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended