Kaso ng 'Kuratong Baleleng' puwede sa Family Court
October 16, 2003 | 12:00am
Posibleng malipat sa Family Court ang kaso ng Kuratong Baleleng rubout case.
Ito ang sinabi kahapon ni Quezon City Public Attorneys Office Deputy chief Oscar Go matapos na hilingin ng Department of Justice na mailipat ang nasabing kaso sa Family Court dahil sa pagkakapatay ng dalawang menor-de-edad na miyembro ng grupo.
Aniya, may punto si Justice chief State Prosecutor Jovencito Zuño sa kahilingan nito na i-raffle ang nasabing kaso sa nabanggit na korte sa halip na sa QC Regional Trial Court.
Ito ay dahil umano sa may napatay na dalawang menor-de-edad kung kaya mayroong legal na basehan ang prosecution na ipalipat ang pagdinig ng kaso sa Family Court.
Ngunit, binigyan din naman ng merito ni Go ang katwiran ng kampo ni Lacson na wala ng saysay pa na ilipat sa Family Court ang nasabing kaso dahil matagal ng patay ang dalawang menor-de-edad na biktima.
Sinabi ng kampo ni Lacson na maituturing na moot and academic na bigyan pa ng pansin ang dalawang kabataang biktima dahil patay na ang mga ito.
Subalit, sinabi pa rin ni Go na tanging ang korte pa rin ang siyang magpapasya kung maaaring ilipat at i-raffle sa Family Court ang kaso ng Kuratong Baleleng. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest