Shabu laboratory sinalakay
October 15, 2003 | 12:00am
Isa na namang pinaghihinalaang shabu laboratory ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Nabatid na ang ginawang pagsalakay ay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Floro Alejo ng Valenzuela City Regional Trial Court (VCRTC) Branch 127.
Base sa ulat, dakong alas-2 nang salakayin ng mga tauhan ng PDEA ang JDC Plastic Corp. na pag-aari ng isang Sally Yap na matatagpuan sa #51-C R. Delfin St., Brgy. Marulas ng naturang lungsod.
Ayon sa PDEA, una umano silang nakatanggap ng impormasyon mula sa ilang concerned citizens na sinasabing may nakita silang mga kemikal sa paggawa ng shabu na ipinapasok sa nasabing pabrika.
Nabatid naman kay Sr. Supt. Pepito Dumantay, hepe ng PDEA Compliance, sinampahan na nila ng kasong illegal diversion of chemicals ang may-ari ng nasabing pagawaan ng plastic dahil wala umano itong maipakitang resibo sa pinaghihinalaang mga kemikal.
Dinala na rin sa PNP Crime Laboratory ang mga nakumpiskang kemikal upang masuri kung ito ay ginagamit sa paggawa ng ipinagbabawal na droga. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended