Ang paniniyak ay ginawa ni Velasco sa kabila ng mga pagbabanta na may ilang lokal na terorista ang maghahasik ng gulo upang pahiyain ang pamahalaang Arroyo sa pagdating ni Bush sa Sabado.
Ayon kay Velasco, may direktiba na siya sa lahat ng kanyang mga district director upang masusing manmanan ang mga vital installations sa Metro Manila na sinasabing target ng terorista.
Kasabay nito, sinabi naman ni Central Police District director Chief Supt. Napoleon Castro na naka-alerto na ang lahat ng kanyang mga tauhan upang mabigyan ng sapat na seguridad ang Pangulo ng Amerika sakaling magtungo ito sa Kongreso.
Aniya, may mga K-9 dog na ilalagay sa Kongreso upang matiyak na walang anumang karahasan na mangyayari sa pagbisita ni Bush sa mga mambabatas. (Ulat ni Doris M. Franche)