NCRPO red alert para kay Bush
October 13, 2003 | 12:00am
Tahasang sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Deputy Director General Reynaldo Velasco na nasa red alert status sila at handa ang buong puwersa ng pulisya sa Kalakhang Maynila kaugnay ng pagdating ni US President George W. Bush sa bansa.
Ang paniniyak ay ginawa ni Velasco sa kabila ng mga pagbabanta na may ilang lokal na terorista ang maghahasik ng gulo upang pahiyain ang pamahalaang Arroyo sa pagdating ni Bush sa Sabado.
Ayon kay Velasco, may direktiba na siya sa lahat ng kanyang mga district director upang masusing manmanan ang mga vital installations sa Metro Manila na sinasabing target ng terorista.
Kasabay nito, sinabi naman ni Central Police District director Chief Supt. Napoleon Castro na naka-alerto na ang lahat ng kanyang mga tauhan upang mabigyan ng sapat na seguridad ang Pangulo ng Amerika sakaling magtungo ito sa Kongreso.
Aniya, may mga K-9 dog na ilalagay sa Kongreso upang matiyak na walang anumang karahasan na mangyayari sa pagbisita ni Bush sa mga mambabatas. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended