^

Metro

Resulta sa Camp Crame shootout ilalabas na ng NAPOLCOM

-
Inaasahang ilalabas na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang kanilang resulta sa imbestigasyon sa naganap na shootout sa Camp Crame noong Oktubre 7 nang magwala ang nagtangkang tumakas na detenidong Abu Sayyaf terrorist na ikinasawi nito at ng tatlo pang pulis habang ikinasugat naman ng apat na iba pa.

Ayon kay P/Director Rolando Garcia, PNP Directorate for Investigative and Detective Management, isusumite na nila ngayong Lunes sa NAPOLCOM ang resulta ng imbestigasyon subalit hindi pa nila maaaring ibunyag kung ano ang nilalaman nito.

Hahayaan na lamang nila ang NAPOLCOM na maghayag ng resulta at totoong pangyayari sa pagwawala ni ASG terrorist Buyungan Bungkak na nakapang-agaw pa ng M-16 rifle at 9 mm caliber pistol mula sa mga bantay nitong pulis na miyembro ng PNP-CIDG.

Matatandaan na kabilang sa mga pulis na namatay ay sina SPO1 Frumencio Lafuente, PO2 Alaster Garcia at PO2 Arvin Garces.

Napatay naman si Bungkak matapos ang tatlong oras na hostage drama sa nasabing tanggapan ng pulisya.

Bunga ng panibagong kahihiyan sa PNP ng pag-aamok ng nasabing ASG bomb expert, napilitan munang magbakasyon habang iniimbestigahan ang kaso si PNP-CIDG Chief P/Director Eduardo Matillano habang sinibak naman ang hepe ng PNP-CIDG-AOCBCB na si P/Supt. Rosqueto Ricaforte.

Magugunita na nagbigay ng taning na 72 oras si DILG Secretary Joey Lina upang tapusin ang imbestigasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALASTER GARCIA

ARVIN GARCES

BUYUNGAN BUNGKAK

CAMP CRAME

CHIEF P

DIRECTOR EDUARDO MATILLANO

DIRECTOR ROLANDO GARCIA

FRUMENCIO LAFUENTE

INVESTIGATIVE AND DETECTIVE MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with