^

Metro

1 patay, 1kritikal sa vehicular accident

-
Namatay ang isang ginang habang nasa kritikal namang kondisyon ang kumare nito matapos na masagasaan ng rumaragasang kotse habang papatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Fabianita Matias, 55, ng #11 Immaculate Conception, Barangay Holy Spirit, ng nabanggit ding lungsod, habang ginagamot din sa naturang ospital si Norma Calugod, 53.

Agad namang naaresto at kasalukuyang nakakulong sa CPD-Traffic Sector 5 ang suspect na si Lawrence Sanchez, 33, ng #15 Jayville St., Fairview Park.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa tapat ng Nissan Motors sa Commonwealth Ave.

Tumatawid sa pedestrian lane ang mga biktima nang biglang sumulpot ang humaharurot na Honda Civic na minamaneho ni Sanchez.

Hindi nagawa ni Sanchez na magpreno hanggang sa salpukin nito ang mga biktima na ikinasawi ni Matias.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries sa QCPO si Sanchez. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

BARANGAY HOLY SPIRIT

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS M

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FABIANITA MATIAS

FAIRVIEW PARK

HONDA CIVIC

IMMACULATE CONCEPTION

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with