Rape/slay victim natagpuan sa QC
October 11, 2003 | 12:00am
Isang bangkay ng babae na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ang natagpuan kahapon ng umaga sa isang creek sa Quezon City.
Walang pagkakakilanlan sa biktima bukod sa deskripsyon ng pulisya na ito ay nasa edad na 40-50, may taas na 54 talampakan, nakasuot ng puting sando at gray na pantalon.
Ayon sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa creek sa panulukan ng Examiner St. at Quezon Avenue sa nabanggit na lungsod.
Binanggit pa na ang mga ito ay may tama ng pukpok sa ulo at baba at mga pasa sa maraming bahagi ng katawan.
Malaki ang paniwala ng pulisya na ginahasa muna ang biktima bago pinatay dahil sa bahagyang nakababa ang suot nitong pantalon.
Samantala, dala ng masangsang na amoy, dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakabaon sa may Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.
Nakilala ang mga ito na sina Stevenson Ramando, 39 at Salvador Cadahuma, 58, kapwa naninirahan sa 17 Luzon St., Phase 4, Lupang Pangako, Payatas.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para mabatid kung sino ang sangkot sa pagpaslang sa mga biktima at kung ano ang motibo dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended