Abogado sugatan sa ambush
October 9, 2003 | 12:00am
Isang abogado ang malubhang nasugatan matapos itong ambusin at pagbabarilin ng dalawang kalalakihang naka-motorsiklo kahapon ng umaga sa Makati City.
Ginagamot sa Makati Medical Center ang biktima na nakilalang si Atty. Caesar Ambrosio, 44, ng Pagkakaisa St., Brgy. Kasilawan ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa ari.
Kaagad namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect na kapwa sakay sa isang motorsiklo na walang plaka.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Juvenal Barbosa, ng homicide section, naganap ang insidente dakong alas-8:30 kahapon ng umaga sa panulukan ng Pasong Tamo at Aranda Sts. sa Brgy. Tejeros ng lungsod na ito.
Nabatid na papuntang palengke ang biktima lulan ng isang tricycle nang biglang tabihan ng mga suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ito.
Sa kabila na may tama na ay nakauwi pa ito sa bahay na naging dahilan upang dalhin ito ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.
Blanko pa ang pulisya sa motibo sa bigong ambush. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended