Mga huling habilin ng napatay na 3 pulis
October 9, 2003 | 12:00am
Hanggang sa mga huling sandali ay nagawa pang makapagpaalam ng tatlong nasawing pulis sa naganap na madugong hostage drama sa loob ng Camp Crame sa kanilang mga pamilya para ipaabot ang kanilang huling habilin noong Martes ng umaga.
Kasalukuyang nakalagak sa Camp Crame ang mga labi ng nasawing mga pulis na sina PO2 Arvin Garces; PO3 Alistaire Garcia at SPO1 Frumencio Lafuente.
Ayon kay Rogelio Garces, ama ni PO2 Garces na tinawagan pa umano siya sa cellphone ng kanyang anak bandang alas-6 ng umaga sa kabila na bumubulwak na ang dugo nito sa tinamong tama ng bala sa tiyan at likuran nang mag-amok ang napaslang na Abu Sayyaf member na si Buyungan Bungkak.
"Tatay bumubulwak ang dugo ko, may tama ako sa tiyan at likod, ikaw na ang bahala sa mga anak ko," mga huling kataga na ibinilin ni Garces sa ama bago ito binawian ng buhay.
Tinawagan din nito ang asawa at ibinilin ang mga anak.
Samantalang si PO3 Garcia naman ay nag-ukol pa ng huling oras sa kanyang anak na lalaki na si Derrick na ipinasyal pa nito sa Baguio City bago ang kanyang pagpanaw.
Si SPO1 Lafuente ay ikinakitaan din ng premonisyon makaraang magpaalam ng maaga sa kanyang naiwang pamilya.
Samantala, nakatanggap naman ng mahigit P170,000 benepisyo ang mga pamilya ng mga nasawing pulis bilang kabuuang benepisyo at pinansiyal na tulong mula sa PNP.
Nakatakda ring pagkalooban ng medalya ang tatlo bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest