^

Metro

72 oras na taning sa imbestigasyon ng hostage drama sa Crame

-
Pitumpu’t dalawa (72) oras ang ibinigay na taning kahapon ni Interior and Local Government Secretary Jose Lina sa National Police Commission (NAPOLCOM) para tapusin ang imbestigasyon sa kontrobersyal na hostage-drama sa Camp Crame nitong Martes na ikinasawi ng tatlong pulis, ng hostage taker habang tatlo pa ang nasugatan.

Sinabi ni Lina na agad niyang ipinag-utos sa tanggapan ni NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Linda Hornilla na tapusin sa lalong madaling panahon ang pagsisiyasat sa trahedya.

Dapat umanong alamin ang puno’t dulo ng nangyaring karahasan nang maburyong at mang-hostage ang napatay ding Abu Sayyaf terrorist na si Buyungan Bungkak.

Sa nangyaring trahedya ay nasawi sina SPO1 Frumencio Lafuente, PO2 Arvin Garces at PO3 Alistaire Garcia, habang nasugatan naman sina P/Sr. Inspector Rommel Rumbaca, PO2 Angelito de Juan at PO1 Armando Reyes.

Binigyang-diin ni Lina na kabilang sa masusing sisilipin ay ang dapat na maging lawak ng ‘command responsibility’ upang madetermina kung hanggang kanino dapat ipataw ang kaparusahan o disiplina sa nangyaring kapalpakan na naman sa loob ng Camp Crame.

Nauna nang sinibak sa tungkulin ni PNP Chief P/Director Hermogenes Ebdane Jr. si P/Supt. Rosueto Ricaforte, Chief ng PNP-CIDG Anti-Organized Crime and Business Concerns Division bunga ng ‘command responsibility’.

Samantala, napilitan namang magbakasyon muna si PNP-CIDG Chief P/Director Eduardo Matillano habang iniimbestigahan ang kaso.

Aminado naman si Matillano na kapabayaan ng mga bantay ni Bungkak ang sanhi ng trahedya base na rin sa inisyal na imbestigasyon ng kanyang tanggapan.

Ayon naman sa iba pang mga opisyal ng PNP, malinaw na paglabag sa standard operating procedures (SOP) na ilabas sa selda ang mga preso na hindi nakaposas.

Kaugnay nito, kahapon ng umaga ay dinala na sa Zamboanga City ang bangkay ng nasawing hostage taker na si Bungkak para maihatid sa kanyang huling hantungan. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ALISTAIRE GARCIA

ANTI-ORGANIZED CRIME AND BUSINESS CONCERNS DIVISION

ARMANDO REYES

ARVIN GARCES

BUNGKAK

BUYUNGAN BUNGKAK

CAMP CRAME

CHIEF P

DIRECTOR EDUARDO MATILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with