Ibat ibang armas nalansag ng DILG

Umaabot sa 3,085 na ibat-ibang loose firearms ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP kaugnay na rin sa ipinatutupad na ‘Oplan Paglalansag Omega’ ng Department of Interior and Local Govt. (DILG).

Sa ulat, ang pagkakumpiska sa matataas na kalibre ng baril ay bunga na rin ng pakikipagtulungan ng ilang opisyal ng barangay partikular na sa mga lalawigan na laganap ang paggamit ng mga baril na walang lisensiya.

Lumilitaw na ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang kung saan nakumpiska ang mga baril na umaabot sa 417 na sinusundan naman ng Region 6 na may bilang na 399 at Region 7 na may bilang na 348 habang pang-apat naman ang Central Luzon na umaabot sa 318 ang mga nakumpiskang baril.

Napag-alaman na aabot din sa 2,537 katao ang dinakip sa pagkakaroon ng hindi lisensiyadong baril. Ito ay kinabibilangan ng walong government officials, 18 military personnel at 20 PNP personnel. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments