^

Metro

Paslit dinukot ng basurero

-
Isang 9-anyos na paslit ang iniulat na dinukot ng isang basurero, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa naibabalik sa kanyang mga magulang ang biktima na nakilalang si John Gilbert Orbita, ng 2147-E T. Mapua corner Batangas St., Sta. Cruz, Maynila.

Pinaghahanap naman ang suspect na nakilala ng mga saksi sa alyas lamang na Chochi, 40, at walang tiyak na tirahan.

Napag-alaman na mag-isang naglalaro sa naturang lugar ang paslit nang mapadaan ang suspect. Nakita ng mga kapitbahay na bigla na lamang binuhat ng suspect ang bata at saka itinakbo ito.

Nabatid na madalas na makita ng mga residente sa lugar ang suspect na may kahina-hinalang kilos na kung saan minsa’y may dala pa itong kariton.

Hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang maaaring motibo ng suspect sa pagdukot sa bata. Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya para tugisin ang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BATANGAS ST.

CHOCHI

CRUZ

DANILO GARCIA

E T

HANGGANG

ISANG

JOHN GILBERT ORBITA

MAPUA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with