^

Metro

Land Bank official ipinakulong

-
Nakaditene ngayon sa Western Police District ang isang mataas na opisyal ng Land Bank of the Philippines (LDP) matapos na ipaaresto ng isang huwes nang magdesisyon ito sa ilegal na pag-angkin sa may 700 ektarya ng lupain na ipinamahagi sa mga magsasaka.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang tahanan si LBP Landowner’s Compensation Department chief Teresita Tengco sa may 134 - A Romero St. Camella Homes, Parañaque City.

Sa kautusan ni Judge Ernesto Pagatayan ng Special Agrarian Court Branch 46 ng Fourth Judicial Region sa Occidental Mindoro, sinabi nito na ilegal ang ginawang pag-angkin ng LBP sa may 700 ektaryang lupain nina Josefina Lubrica at Nenita Suntay-Tanedo.

Nararapat umano na bayaran ng Land Bank ang mga may-ari ng lupa ng halagang P73.5 milyon bago pa man angkinin ito ng pamahalaan at ipamahagi sa mga magsasaka na hindi nagawa ng bangko.

Agad namang inako ni LBP President Gary Teves ang responsibilidad sa naturang kaso ngunit sinabi nito na walang hurisdiksyon si Pagatayan sa naturang kaso dahil sa kasalukuyang nakaapela pa ito sa Court of Appeals.

Sinabi rin ni Teves na aabot lamang sa P6.5 milyon ang nararapat lamang nilang bayaran base sa kanilang kalkulasyon at hindi ang iginigiit ng mga may-ari ng lupa na P73.5 milyon.

Lubhang maaapektuhan umano ang mga maliliit na magsasaka na umaasa sa Land Bank kung pagbibigyan nila ang pagbabayad sa naturang napakalaking halaga. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

A ROMERO ST. CAMELLA HOMES

COMPENSATION DEPARTMENT

COURT OF APPEALS

DANILO GARCIA

FOURTH JUDICIAL REGION

JOSEFINA LUBRICA

JUDGE ERNESTO PAGATAYAN

LAND BANK

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

NENITA SUNTAY-TANEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with