Demanda kay Joey iniurong na ni Kris
October 7, 2003 | 12:00am
Pormal ng iniurong ng kontrobersyal na aktres/TV host na si Kris Aquino ang kasong isinampa nito laban kay Parañaque Mayor Joey Marquez sa Rizal Provincial Prosecutors Office.
Sa isang pahinang affidavit of desistance na isinumite ni Atty. Celine Casanova ng Fortun Law Office sa Rizal Prosecutors Office kahapon ng hapon, nakasaad na pormal ng iniuurong ng kanilang kliyenteng si Kris Aquino ang mga kasong grave threat, grave coercion, illegal possession of firearms at less serious physical injury laban kay Joey Marquez.
Matatandaang isinampa ni Kris ang mga nasabing kaso noong nakaraang Lunes Sept. 29 sa prosecutors office ng Rizal ng bugbugin umano at tutukan ng baril ni Joey ang dating live-in partner sa condominium unit sa Essensa, West Bicutan,Taguig.
Ang pagbawi sa kaso ay bunga ng paghingi ng tawad ni Marquez kay Aquino sa isang live na panayam sa telebisyon, sinabi rin sa panayam na kailanman ay hindi nito sinabing sinungaling ang kanyang dating lover.
Ilang minuto matapos ang paghingi ng tawad, nagsalita rin si Aquino sa isa ring live interview na pinatatawad na niya si Marquez at inamin din niya na nagkaroon din siya ng pagkakamali. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am