Bahay ng general hinagisan ng bomba
October 5, 2003 | 12:00am
Hinagisan ng bomba ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang quarter ni Central Police District director Chief Supt. Napoleon Castro na ikinasira ng bubong at bintana ng bahay nito at ilang sasakyang nakaparada dito sa loob ng Camp Karingal sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ilang saksi, naganap ang pagsabog dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang pumarada ang isang kulay itim na sasakyan sa may Bliss na nasa likod ng kampo at ilang metro lamang ang layo sa bahay ng opisyal.
Ayon sa mga testigo, dalawang lalaki umano ang bumaba ng kotse at isang improvised bomb ang inihagis sa bubong ng bahay ng CPD chief.
Minalas na sumabit ang bomba sa puno kung kayat nagpagulong ito sa bubong ng bahay at saka doon sumabog. Nadamay din sa nawasak ang apat na recovered vehicles na nakaparada malapit sa quarters ni Castro.
Ikinabigla ng asawa, anak at mga apo ni Castro ang pagsabog .
Magugunitang isa si Castro sa dalawang PNP generals na idinawit ng whistle blower na si Jonathan Prestado sa operasyon umano ng illegal drugs at kidnapping.
Ipinagkibit-balikat din ni Castro na posibleng may kinalaman si Prestado sa naturang insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest