5/6 na Bombay ipinaaresto ng ginang

Arestado ang isang Indian national makaraang ireklamo ito ng isang ginang dahil sa umano’y pamimilit nito na ipasubo sa huli ang kanyang ari sa harap ng kanyang 2-anyos na anak, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Ang suspect na nakapiit ngayon sa Caloocan City Jail ay nakilalang si John Neil Singh, alyas Bombay, 45, ng Blk. 6 Sawata St., Dagat-Dagatan, nasabing lungsod.

Batay sa sinumpaang salaysay ng biktimang si Grace (di-tunay na pangalan), 38, ng #2477 Sawata Area 1, Maypajo, Caloocan City, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.

Nagtungo umano ang suspect sa kanilang bahay upang maningil ng pautang at dahil sa matagal nang kakilala ay agad nitong pinapasok si Singh subalit nang umakyat siya sa itaas upang kumuha ng perang pambayad ay sumunod ito.

Ayon sa ginang, sinabunutan umano siya ng suspect at agad hinalikan sa pisngi at nang manlaban siya ay agad na naglabas ng patalim at itinutok sa kanyang leeg.

Dito ay sapilitan siyang inutusan na isubo ang ari ng suspect at kung hindi ay papatayin siya pati na ang anak ng ginang na naglalaro sa sahig.

Sa labis na takot ay sinunod na lamang ng biktima ang iniutos ni Singh at huminto lamang ang suspect sa pinagagawa sa kanya nang umiyak ang sanggol na nakatingin sa kanila.

Bago tuluyang umalis ay nagsabi pa ang suspect na babalik para ituloy ang ipinagawa sa ginang kaya’t nagsumbong na sa awtoridad ang biktima at nagresulta ng pagkakadakip kay Singh. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments