Whistle blower ng NAPOLCOM sa mental dalhin - PDEA
October 4, 2003 | 12:00am
Sa mental hospital na lang nyo siya dalhin.
Ito ang mariing tinuran ni Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) director Gen. Anselmo Avenido Jr. kaugnay sa balak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na iturn-over sa ahensiya si Jonathan Prestado, ang whistle blower na nagsangkot sa 14 na opisyal ng PNP kabilang ang dalawang heneral sa mga organisadong sindikatong kriminal kabilang ang drug trafficking.
Una rito, inihayag ni Avenido na may sayad umano sa utak, walang kredibilidad at hindi dapat patulan ang lumantad na star witness ng NAPOLCOM.
Sinabi ni Avenido na kailangan aniyang masuri ang kondisyon ng utak ni Prestado na inirekomenda rin nitong isailalim sa psychiatric test matapos ang aniyay kuryenteng balita na inexpose nito sa media.
Ayon sa mga opisyal na PDEA, hindi welcome sa kanilang tanggapan si Prestado matapos itong magbigay ng mga maling impormasyon tungkol sa operasyon umano ng ilegal na droga.
Idinagdag pa ng mga ito na lilitaw na kahiya-hiya ang PDEA kung kakanlungin nila ang isang tulad ni Prestado.
Sinabi naman ni Senior Supt. Lina Sarmiento, director for plans and operations service ng PDEA na dumampot ng problema ang NAPOLCOM kaya ang mga opisyal nito ang dapat na lumutas ng kanilang sakit ng ulo, hindi ang kanilang tanggapan.
Kaugnay nito, naniniwala naman si dating PNP Intelligence Group chief, Chief Supt. Jesus Versoza na bahagi ng propaganda war ang pagdadawit sa kanyang pangalan sa mga alegasyon ni Prestado.
Bukod kay Versoza, idinawit din ni Prestado si CPD director Chief Supt. Napoleon Castro sa sindikato.
Nakatakda namang magsampa ng P1 milyong libel case si Castro laban kay Prestado.
Patuloy namang itinatanggi ng NAPOLCOM na may kinalaman sila sa paglabas ng affidavit ni Prestado, gayung ayon sa ilang mamamahayag sila mismo ang nagpakalat nito at sinabing huwag na lang sabihin sa kanila galing ang impormasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest