^

Metro

Antique dealer nilooban,pinatay

-
Isang 41-anyos na antique dealer ang pinaslang matapos na umano’y tangkang pagnakawan ng hindi nakikilalang mga suspect sa loob mismo ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib nang matagpuan ang biktimang si Danilo Rosario, residente ng Samson St. corner Pascual Avenue ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang driver na si Amehryst Aquino dakong alas-10:20 ng gabi na nakahandusay malapit sa hagdanan sa loob ng kanyang bahay.

Ayon kay Aquino, nakita na lamang umano nito ang bangkay ng biktima nang magtungo siya sa bahay nito upang kunin ang kanyang sahod kung saan ay napilitan na lamang umano siyang pumasok sa loob ng bahay nang walang sumasagot sa katok niya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nanlaban ang biktima sa mga salarin kung kaya’t napilitan itong barilin ng mga suspect at saka mabilis na nagsitakas at hindi naisagawa ang pagnanakaw. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AMEHRYST AQUINO

AQUINO

AYON

BATAY

DANILO ROSARIO

ISANG

MALABON CITY

PASCUAL AVENUE

ROSE TAMAYO

SAMSON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with