^

Metro

Dahil sa text message, sekyu nabukong kasabwat sa holdap

-
Isang security guard ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang mabukong nakipagsabwatan sa mga miyembro ng robbery-holdup gang na responsable sa panghoholdap sa isang armored van ng Union Bank, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Iprinisinta kahapon ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ang suspect na sekyu na si Diosdado Mellomida Jr., 29, miyembro ng Protector Services Inc. Security Agency at residente ng Quezon City.

Pinaghahanap naman ang mga kasamahan nito, partikular ang lider ng grupo na isang dating sundalo at nakilalang si Probationary 2Lt. Ed Sumang ng Philippine Army Reserved Command.

Batay sa ulat, dakong aalas-6 ng gabi kamakalawa nang bigla na lamang harangin ng mga holdaper sakay ng isang puting Starex van ang armored van na binabantayan ni Mellomida at ng ilan pang guwardiya.

Tinangay ng mga suspect ang cash na umaabot sa P600,000 na idedeposito ng Mercury Drug sa nasabing bangko bago nagsitakas ang mga ito patungong B. Serrano St.

Agad namang naghinala si Supt. Dionicio Borromeo na may nangyaring sabwatan sa naganap na holdapan kung kaya’t kinuha niya ang lahat ng cellphone ng mga nakadestinong guwardiya.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon, tumunog ang cellphone ni Mellomida at doon nabasa ng mga pulis sa text message kung papaano kukunin ang parte sa kanilang naholdap. Agad itong inaresto ng pulisya.

Inamin ni Mellomida na nakuha niyang makipagsabwatan sa mga suspect dahil sa hirap ng buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DIONICIO BORROMEO

DIOSDADO MELLOMIDA JR.

ED SUMANG

MELLOMIDA

PHILIPPINE ARMY RESERVED COMMAND

PROTECTOR SERVICES INC

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with