Ipinaliwanag din ni Fortun na sa isang "private crime" gaya ng pambubugbog ni Marquez kay Aquino sa loob ng isang kuwarto, hindi na kailangan ng testimonya ng ikatlong partido upang mapatunayan ang alegasyon.
"A private crime doesnt need a witness other than the one who filed the complaint," pahayag ni Fortun sa isang panayam.
Ang kredibilidad umano ng nagreklamo ang gigisahin sa korte upang malaman kung totoo ang alegasyong binitiwan nito.
"We filed the case not for the effect but for result. We intend to win," dagdag pa ni Fortun.
Nang tanungin kung nais ba ni Aquino na ipakulong ang dating ka-relasyon, ito ang isinagot ni Fortun: "Yes, she filed the complaint with that result in mind."
Determinado rin umano si Aquino na makakuha ng hustisya kaugnay ng pambubugbog at panunutok sa kanya ni Marquez sa pinakahuli nilang pag-aaway sa Essensa Condominium sa West Bicutan, Taguig noong Sept. 22. (Ulat ni Edwin Balasa)