LPG sumabog: Pamilya,8 malubha
October 1, 2003 | 12:00am
Walong miyembro ng isang pamilya na kinabibilangan ng isang taong gulang na bata ang nasabugan ng Liquified Petroleum Gas (LGP) matapos na magkamali ng koneksyon ng regulator, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kasalukuyang ginagamot sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang mga biktima na nakilalang sina Consolacion Mendoza, 71; Israel Asoy, 10; Joan Fernandez, 14, kapatid na si Ronald Jayson, 12, inang si Julie, 38 at RC Mendoza, 1.
Nasa East Avenue Medical Center naman sanhi ng 3rd degree burn ang mag-asawang Ricky at Marilou Frias.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng Quezon City Fire na naganap ang insidente dakong alas-9:25 ng gabi sa bahay ng mga biktima sa 38 Road 6, Barangay Pag-asa ng nabanggit ding lungsod.
Nabatid na ikinakabit ni Ricky ang regulator ng LPG tank na kanyang binili nang bigla itong sumabog.
Ang pagsabog ay naging dahilan ng pagkakaroon ng sunog sa loob ng bahay ng mga biktima subalit agad ding naapula. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended