^

Metro

Bitay sa kidnapper/killer sa anak ni Judge Bacalla

-
Bitay ang naging hatol ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa dumukot at pumatay sa anak ni Judge Marciano Bacalla dalawang taon na ang nakakalipas.

Nakilala ang mga hinatulang mabitay na sina Rodrigo Catungal at Jerro Garcia dahil sa kasong kidnap for ransom with homicide.

Samantalang anim na taong pagkabilanggo naman ang ipinataw sa kasamahan ng mga itong si Zaldy Carino, habang patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang isa pa nilang kasamahan na si Honofre Surat Jr.

Sa rekord ng korte, noong Mayo 2, 2001 nang dukutin at patayin ng mga suspect ang biktimang si Mark Harris Bacalla, 23, sa CRB Pubhouse sa Lagro Novaliches bago inilipat sa Nueva Ecija.

Bagama’t napatay na nila ang biktima ay nakuha pang makapanghingi ng halagang 495,000 ang mga suspect sa pamilya ni Mark.

Mayo 21 naman nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang lugar sa Nueva Ecija.

Bukod sa parusang bitay, pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng halagang P1.2 milyon sa pamilya ng biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

HONOFRE SURAT JR.

JERRO GARCIA

JUDGE MARCIANO BACALLA

LAGRO NOVALICHES

MARK HARRIS BACALLA

NUEVA ECIJA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RODRIGO CATUNGAL

ZALDY CARINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with