Si Zaldy Dagting, alyas Den-Den, 22, machine operator ng No. 209-CM De Jesus St. Pasay City ay pormal na sinampahan kahapon ng kaso ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) sa Manila Prosecutors Office bunsod sa pagkakapaslang kay Erwin Melmida ng Kalaw, St. Tierra Bella Homes T. Sora, Quezon City.
Nasugatan naman sa naturang pananambang si Atty. Felipe Bartolome, 53, abugado at custom collector kasama pa ang mga escort nito na sina PO3 Ricardo Grata, 36-anyos at PO1 Raul Declaro kapwa residente ng Taguig, Metro Manila.
Naganap ang pananambang sa mga biktima noong Hulyo 25, 2003 dakong alas-7 ng gabi sa Anda Circle malapit sa BIR building sa Port Area, Manila.
Ang suspek ay positibong itinuro ng testigong si Jeywen Llameras na siyang lalaki na nakasuot ng baseball cap habang nakatayo sa naturang lugar ng gabing maganap ang krimen dahilan sa ipinagbabawal ng kanilang barangay chairman ang pag-iistambay sa nasabing lugar.
Sinabi ni Llameras na matapos niyang makita sa dyaryo ang mukha ni Dagting na siyang pumaslang kay Diaz ay kanya agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad at positibong itinuro ang huli na siyang umambush sa grupo ni Atty. Bartolome habang nakapiit ito sa WPD integrated jail. (Ulat nina Gemma Amargo at Danilo Garcia)