^

Metro

Killer ni Diaz sinampahan ng iba pang kasong pamamaslang

-
Panibagong kaso na naman ang kinakaharap ng pangunahing suspek sa pagpaslang kay Lilia Diaz, NAIA Assistant Manager for administration and finance matapos itong sampahan ng kasong murder at 3 counts of frustrated murder kahapon sa Manila Prosecutors Office dahilan sa pananambang sa isang custom collector na nagresulta sa pagkasawi ng security driver nito.

Si Zaldy Dagting, alyas Den-Den, 22, machine operator ng No. 209-CM De Jesus St. Pasay City ay pormal na sinampahan kahapon ng kaso ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) sa Manila Prosecutors Office bunsod sa pagkakapaslang kay Erwin Melmida ng Kalaw, St. Tierra Bella Homes T. Sora, Quezon City.

Nasugatan naman sa naturang pananambang si Atty. Felipe Bartolome, 53, abugado at custom collector kasama pa ang mga escort nito na sina PO3 Ricardo Grata, 36-anyos at PO1 Raul Declaro kapwa residente ng Taguig, Metro Manila.

Naganap ang pananambang sa mga biktima noong Hulyo 25, 2003 dakong alas-7 ng gabi sa Anda Circle malapit sa BIR building sa Port Area, Manila.

Ang suspek ay positibong itinuro ng testigong si Jeywen Llameras na siyang lalaki na nakasuot ng baseball cap habang nakatayo sa naturang lugar ng gabing maganap ang krimen dahilan sa ipinagbabawal ng kanilang barangay chairman ang pag-iistambay sa nasabing lugar.

Sinabi ni Llameras na matapos niyang makita sa dyaryo ang mukha ni Dagting na siyang pumaslang kay Diaz ay kanya agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad at positibong itinuro ang huli na siyang umambush sa grupo ni Atty. Bartolome habang nakapiit ito sa WPD integrated jail. (Ulat nina Gemma Amargo at Danilo Garcia)

ANDA CIRCLE

ASSISTANT MANAGER

DANILO GARCIA

DE JESUS ST. PASAY CITY

ERWIN MELMIDA

FELIPE BARTOLOME

GEMMA AMARGO

JEYWEN LLAMERAS

LILIA DIAZ

MANILA PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with