Landslide sa QC: 2 patay
September 30, 2003 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang sanggol, samantalang isa pa ang nasugatan makaraang gumuho ang malaking bahagi ng pader sa North Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasawi na sina Wilma Casis, 30 at Jimmy Macaraeg, 7 buwang sanggol, makaraang madaganan ng naglalakihang tipak ng pader.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi makaraang umapaw ang tubig sa Tullahan River na naging dahilan nang paglambot ng lupa sa may bahagi ng Fairview Elementary School.
Dahil dito, malaking bahagi ng pader ng paaralan ang tuluyang gumuho at tuloy-tuloy na bumagsak sa mga barung-barong.
Nabigla ang mga residente nang marinig ang malakas na dagundong habang sila ay natutulog.
Nasugatan naman sa hita ang tiyahin ng nasawing sanggol na si Christina Pagunuran. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended