^

Metro

3 opisyal ng rehab center sa US nasa RP

-
Tatlong matataas na opisyal ng pinakamalaking drug rehabilitation center sa Amerika ang dumating sa bansa upang makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapagaling ng mga drug users.

Si Aloysius Joseph, director ng Daytop International, kasama sina Daytop spiritual director Michael Bosch at Gwen Mcpherson ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas 10:30 kamakalawa ng gabi mula sa ibang bansa sa Asya na may kinahaharap ding problema sa drug depency.

Ang grupo ay sinalubong nina Ed Castillo, president at Executive Director ng Seagull Flight Foundation Inc. at chairman ng Philippine Federation of Therapeutic Community, Chit Castillo, Vice President for Personnel at General Affairs ng SFFI at Jerry Yap, Executive Director ng SFFI. Ito ay isang NGO na tumutulong sa treatment at rehabilitation ng mga drug dependents gamit ang therapeutic community modality na counterpart naman ng Daytop International.

Nabatid na makikipagtulungan ang grupo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang malutas ang lumalalang problema sa droga na batay sa statistics ay umaabot na sa 4 milyon ang drug dependent sa buong bansa.

Tatalakayin ni Bosch ang panganib ng illegal drugs at ang masamang epekto nito hindi lamang sa tao kundi maging sa lipunan habang sina Joseph at Mcpherson ay magbibigay ng spiritual healing kung magaling na ang isang drug dependent. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CHIT CASTILLO

DAYTOP INTERNATIONAL

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ED CASTILLO

EXECUTIVE DIRECTOR

GENERAL AFFAIRS

GWEN MCPHERSON

JERRY YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with