^

Metro

Dagdag insentibo sa agent ng PNP

-
Makatatanggap ng karagdagang benepisyo at insentibo ang mga undercover police na itinalagang sumusubaybay sa mga pampublikong sasakyan at makalutas ng mga insidente ng panghoholdap.

Ito naman ang ipinahayag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Deputy Director General Reynaldo Velasco kasabay ng katiyakan na ang lahat ng pulis na makakapagresolba ng panghoholdap ay makakatanggap ng cash rewards, promotions at insurance benefits.

Ayon kay Velasco, hindi biro ang trabaho ng isang undercover dahil mas malakas ang loob ng mga holdaper o kriminal na lumaban sa isang taong nakasibilyan kumpara sa mga nakasuot ng uniporme.

Bagama’t aminado si Velasco na maliit lamang ang insentibo, maaari din itong makatulong upang mas lalo pang mapataas ang moral ng isang pulis sa pagpatupad ng kanyang tungkulin.

Hindi umano dapat na sisihin sa lahat ng oras ang pulis dahil may kailangan ding gampanang tungkulin ang mga ordinaryong mamamayan. (Ulat ni Doris M. Franche)

AYON

BAGAMA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DORIS M

FRANCHE

MAKATATANGGAP

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with