^

Metro

Nalugi ang tindahan: Negosyante,nagbigti

-
Dala umano ng pagkalugi ng kanyang tindahan, tuluyan nang winakasan ng isang 62-anyos na negosyante ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Lawit ang dila ng biktimang si Marcial Deliva ng Lot 5 Blk. 6 Camacho Compound, Balubad St. Brgy. Nangka, Marikina City nang makita ng kanyang live-in partner na si Teresita Mendoza, 52, sa loob ng kanilang kuwarto gamit ang isang kawad ng kuryente.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.

Nagtaka umano si Mendoza kung bakit wala pang ilaw na nakabukas gayung gabi na kung kaya’t napilitan siyang buksan ang ilaw hanggang sa umakyat siya sa kuwarto upang magpalit ng damit.

Subalit laking gulat ni Mendoza nang makitang nakabitin ng kawad ng kuryente si Deliva na nakasabit sa kisame.

Ayon kay Mendoza, matagal na niyang napapansin ang pagiging matamlay ng Deliva matapos na malugi ang tindahan nito na siyang pinagkukunan nito ng ikabubuhay.

Hindi umano matanggap ni Deliva ang pagkalugi ng kanyang negosyo dahil matagal na nitong pinatatakbo ang kanyang maliit na tindahan. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BALUBAD ST. BRGY

BATAY

CAMACHO COMPOUND

DELIVA

EDWIN BALASA

MARCIAL DELIVA

MARIKINA CITY

MENDOZA

TERESITA MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with