Ang pagpapatigil sa Tanduay ay nakasaad sa isang Temporary Restraining Order (TRO) na nilagdaan ni Mandaluyong RTC Judge Edwin Sorongon.
Dahil sa TRO, kailangang alisin ng mga nagbebenta ng gin na gawa ng Tanduay ang produktong ito sa kanilang mga tindahan. Hindi rin makapagrarasyon ang Tanduay ng kanilang gin hanggang may epekto ang TRO. Ang demanda kontra Tanduay ay inihain ng Ginebra bunsod ng mga malayang pag-aaral na diumano ay nagpatunay na inaakala ng maraming mamimili na ang gin ng Tanduay ay gawa rin ng Ginebra. Ibinasura rin ng korte ang petisyon ng Tanduay na itigil na ang paglilitis sa mga kasong isinampa ng Ginebra laban dito.