^

Metro

Retiradong guro natagpuang patay

-
Nakabalot sa kumot at burdado ng saksak at palo sa ulo nang matagpuan ang bangkay ng isang lola na retiradong public school teacher na pinaniniwalaang sadyang pinatay at kusang itinapon malapit sa kanilang tahanan, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nangangamoy na nang matagpuan ang katawan ng biktimang nakilalang si Nenita Besol alyas Nene, 64, tubong Iloilo at residente ng Blk. 6, Lot 2, Shelterville Subd., Brgy. 171, Bagumbong ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Elvis Ponce Imperial, may hawak ng kaso, dakong alas-3 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote malapit sa bahay nito na nakabalot sa isang kumot.

Ayon sa salaysay ng mag-asawang sina Carlos at Eva dela Paz, nakadiskubre sa bangkay, naalimpungatan umano sila dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa labas ng kanilang bahay.

Nang suriin nila ang pinagmumulan ng amoy ay nakita nila ang isang kumot at nang buklatin nila ito ay tumambad sa kanilang paningin ang halos naaagnas nang bangkay ni Besol.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinabi ni Arturo, asawa ng biktima, may tatlong araw na umano niyang hindi nakikita ang kanyang maybahay at hindi niya alam kung saan ito nagtungo.

Maging ang apo ng biktima na si Dave Leonard Austria, 15, na nakatira sa kanyang mga lolo at lola ay hindi pa rin makita hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARTURO

AYON

BAGUMBONG

BESOL

CALOOCAN CITY

DAVE LEONARD AUSTRIA

ELVIS PONCE IMPERIAL

NENITA BESOL

ROSE TAMAYO

SHELTERVILLE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with